Roxas Boulevard at ang mga Hubad na Katotohanan

May lalaking naglalakad sa Roxas Boulevard cor. UN kanina, hubo’t hubad. Hindi siya mukhang taong grasa, hindi naman siya mukhang ninakawan o pinagsamantalahan. Malinis ang hitsura niya, malusog ang pangangatawan. Naglalakad siyang walang saplot at walang pakialam na nakahayhay ang buong kaluluwa niya sa mainit at magaspang na aspalto.

Walang pakialam tulad ng napakaraming mga nakakita sa kanya na parang nakakita lang ng kuting sa lansangan. May mag-amang lulan ng pedicab, halos dalawang taong gulang ang bata – habang tumatawa, kinalabit ng tatay ang anak para pagmasdan ang naglalakad. Ano kaya ang sinabi niya? Hindi ko narinig, miski ako ay natigalgal sa natunghayan.

Pag naglalakad ako sa Maynila, minsan iniisip ko kung totoo ba ito o isang eksenang hango sa isang tula ng mga makakata sa panahon ng digmaan. Kanina inisip ko, ano ang mas nakagigimbal – ang lalaking walang pasubaling inilantad ang kanyang katawan para ibilad sa madla, o ang mga mata nating pinalamig at pinamanhid ng tadhana at ang mga pusong nakapikit o binulag ng sarili nating mga multo.

(This series was featured in my Facebook Page beginning on the 10th day before I my resignation from my Manila employment became effective. This uncut version pays homage to my love affair with the capital. Not all lovers are given the chance to say goodbye. This is my attempt to chronicle her beauty. #10DaysOfManilaUncut )

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s